Monday, July 5, 2010

Hanggat Kaya Ko

Parang di ko na yata kaya........

After almost two months na naging tayo ay ilang beses na akong patagong umiiyak. At lalong nararagdagan ang sakit ng katotohanang wala akong mapagsabihang iba ng bigat ng loob ko. Pilit kong ipinapakita sa trabaho at sa mga kaibigan ko na okay ako pero pasapit ng alas - singko hanggang sa abutin ako ng antok ay iniluluha ko ang bawat oras na di mo ko maalala..

Ilang ulit ka na bang naunang magtext? Isa, dalawa, tatlo pero ang mga yun ay nagfofollow up lang sa bagay na hinihingi mo kaya nagkakaroon ka ng initiative na magtext. Pero ilang text ko na ba ang hindi mo nireply? At kung magrereply ka nga ay palaging "sorry now lang kc me nakapaload" o di kaya'y "sorry low bat kc me".

Pilit kong hinahanapan ka ng katwiran kung bakit ganun ka. Siguro sabi ko baka wala lang pambili ng load. Siguro nasa walang signal. Pero hindi, napadalhan naman kita ng higit sa pambili ng load at pag minimiss call kita ay palagi namang nagriring ang cellphone mo....

Oo na nagpapabulag ako sa nararamdaman ko, pero wag mong isiping tanga ako. Alam ko ang totoo na mahal mo ako pag kailangan mo ako, pero umaasa pa rin ako na darating ang araw ay mapapansin mo rin ang lahat ng bagay na ginagawa ko para sa yo. Umaasang balang araw ay bibigyan mo din ng halaga ang lahat ng ito... Mahal kita ngayon Miko pero ayokong dumating ang araw na mapagod ang puso ko sa pagmamahal sa iyo at mauntog ang ulo ko at biglang matauhan ako...

Mahal kita hangga't kaya ko... pero pano pag sumuko na ako?

No comments: