Saturday, July 31, 2010

Until Tonight

Today, while I was rushing to beat deadlines and trying to arrange the day, I heard my phone's not so pleasant message alarm. I had an inclination that it was you. I tried suppressing the feeling of elation that was slowly building inside me. I dont know why I am feeling this way? I mean its just a text message and there's nothing much in it but just few words of "His" and Hellos" or sometimes corny greetings and forwarded quotes. But theres no room for that today. I dont have time to spare today and after what we've been through the this week, I have promised myself not to be affected by you anymore, least not to let you know that you still occupy the biggest part of me.

I slowly opened the message and I was right. The message reads "If I hurt your feelings, I am really sorry. I will just be here for you. Please call me"

I tried not to be affected by it. I am in the middle of a conundrum. Three deadlines and three meetings to attend to today aside from the regular bits and pieces of this very demanding job. I need to go on top of all of these and finish them with quality and in time as I always do.

"Not now, I'm busy... maybe tonight". So my answer goes.

Its very hard to admit that despite of all the rough times that I had with you, I will never cease loving you, wanting you. If I am doing this, it doesn't mean I love you less. I am only doing this for myself. I am only doing this for myself...
I don't want you to feel that my life is centered on you, even if the truth is, it does. I dont want you to know that my day will never be complete without thinking of you, even if I do. The truth is, you're an integral part of my life and it will never be the same again if I'll completely lose you... but until when I can have control over these things... until when?

These past few days have been very horrible for me. How I miss your voice and your out of sync reasons. Your unpretending laughters and grunts in between. All af these just make me realize, how much I am missing you...

Not now, not today but tonight, I'll call you...

Thursday, July 29, 2010

Mahal mo pa ba Ako?

May sakit si maoy kahapon pa. Naulanan yata sa byahe. Pumunta kasi sa kabilang bayan dahil pinaunlakan si Nonong na sumama sa pagtitipon ng kanilang simbahan. Madaming sumama kaya sa truck sila isinakay para makatipid sa pamasahe. Hindi naman nya alam na aabutin sila ng isang oras at kalahati sa byahe. Nung papunta pa lang sila ay mainit ang sikat ng araw at nang pauwi naman sila ay biglang bumuhos ang ulan, kaya ayun sakit ng ulo at katawan ang inabot.

Kala ko nga nagloloko lang sinabing masama daw pakiramdam nya kaya inaasar ko din. Pero humiling na tumawag ako, abay totoo nga. Paos ang boses ni maoy at talagang me sakit... Uminom naman na daw sya ng gamot pero masakit pa din ang katawan.

Syimpre medyo worried din si MM kasi parang malala ang trangkasong dumapo kay maoy. Pero bago matulog nagtext pa ang loko

"nyt na mahal ko, wag ka mag alala ayos na ko bukas".

Ang loko may sakit na nga nakuha pang mambola hehehe..

Pero kanina nagtext na naman na tawagan ko daw.

Miko: Hello mahal, OK na ko wag ka na mag alala jan."
MM: Di ah, alam kong di ka basta basta matetepok dahil masamang damo ka"
Miko: Ganun na ba talaga kasama sa tingin mo?"
MM: Bakit di ba?
Miko: Sobra ka naman
MM: Weehh niloloko ka lang, sigurado kang OK ka na
Miko: Opo, basta bati na tayo
MM: Manligaw ka muna ulit
Miko: Ganun, eh di simulan ko na ngayon
MM: Sandali, manliligaw ka eh load ko to.
Miko: Kaw naman alam mong di ko kayang mag overseas call ng 10 minutes
MM: Kung di mo kaya eh di wag ka manligaw
Miko: sige na nga, text na lang kita
MM: OO alam ko naman na naka unli 10 ka
Miko: bistado mo talaga ako hehehehe

Di ako sumagot kaya muling nagtanong si maoy.
Miko: Mahal mo pa ba ako?
MM: Di ko alam
Miko: Bat di mo alam
MM: Basta
Miko: Pwede ba yon?
MM:  OO pwede yun at tama na to mahal na tawag na to
Miko: sige text kita
MM: Ok bye
Miko: Luv you
MM: Labyuhin mo sarili mo

Pero wala pang isang minuto ay nagtext na nga ang loko. "Alam ko love mo pa din ako."

Hay.... tama si maoy mahal ko pa rin sya pero di pa pwede ngayon.. baka bukas o makalawa na lang..

Tuesday, July 27, 2010

Four Days

four days from saying goodbye
four days when I started to cry
four days since the day I died
four days of living a lie.

Thursday, July 22, 2010

Kailan mo Sasabihing Tama Na?

Love never ends... love conquers time. Love is unexplicably enduring. Love means sacifices. Love means hurting yourself...

Mahal kita higit sa anupaman. Mahal kita na handa akong magsakripisyo para sa iyo. At higit sa lahat, mahal kita kahit ako ay nasasaktan.
Hindi kailanman masusukat ang pagmamahal ko sa iyo. Hindi rin kita ipagpapalit kahit kanino...Hindi ito matutumbasan ng kahit ano.
Hindi ko alam na darating ang panahon na isusuko ko ang pagmamahal ko sa iyo. Hindi dahil masyado akong nasasaktan. Hindi rin dahil sa hindi mo ako kayang mahalin tulad ng pagmamahal ko sa iyo. Hanggang ngayon ay hindi nababawasan ang pagmamahal ko sayo...

Mahal kita at ikaw ang huling lalaking mamahalin ko... Mahal kita maging hanggang sa ang puso ko ay maging abo... Mahal kita Miko, mahal na mahal.

Pero ngayon ay isinusuko ko na ang pagmamahal ko. Simula nang mahalin kita ay marami ng nabago sa sarili ko. Marami ng nag iba sa pagkatao ko. Marami na rin ang nag iba sa pananaw ko. Ngayon ay hindi ko na kilala ang sarili ko. Higit sa lahat ay marami na ang nasasaktan dahil sa pagmamahal ko sa yo. Para sa akin hindi tama na masaktan ang mga mahal mo dahil sa isa pang pagmamahal.

Sana sa maikling panahon na nagsama tayo ay naipadama ko sa yo ang pagmamahal ko. Pagmamahal na sumira sa pagkatao ko. Pagmamahal na nanakit sa puso ko... Sana dumating ang panahon na may tutumbaso hihigit ng pagmamahal ko sa iyo... Ibibigay sa yo ang pagmamahal na isinuko ko, ibibigay sa yo ang lahat ng ninais kong ibigay sa yo.

Paalam Miko...

Tuesday, July 20, 2010

Cyber Reunion

Last night I had a sort of reunion with college friends in fb. While reading news articles in philstar.com, I saw a notification popped on my screen, " ______ tagged a photo of you". I immediately clicked the notification since my fb account is open in another window and there it was a pic from my not so distant past. It was a group picture of our university theater and in it were tags of all the people in the pic. Below it was a comment from a co-member, "miss you all pipol". I wasn't able to control the urge of leaving a comment.

Moments later, comments came pouring in from long lost friends and college classmates. And so our chit chatting begun.

"Musta na", "ano na" "nasan ka na", etc... were overused last nyt because of 17 years of separation. Those people were also kind enough to tell me the fb names of people I was looking for quite sometimes. I ended up receiving five friend requests and sending 5 invites hahaha... I slept at 1:00 a.m. with a happy smile on my face without texting Miko (kala mo ha heheh).

It is really nice to get in touch with people you have shared your lives with... it brings back happy memories and a wonderful feeling of finding something nice and beautiful out of a haystack.

We will be having our theater reunion in summer of 2010 and I am looking forward to meeting Jessie again. Dont ask me now about Jessie, he is a very long story to tell hehehehe...

Sunday, July 18, 2010

Love Letter

I am an old school who's still fascinated with loveletters and the kilig moments while writing or receiving it. I made a lot of it in my younger years, but all of those loveletters landed in the hands of the lucky bitches and itches that I was into before. Understandbly, I was ssuffering "identity crisis" when I was doing loveletters, and my refusal to admit that I am gay resulted to pursuing and deflowering a number of girls before (hehehe).

Ngayong lumipas na ang kabataan ko at obsolete na ang loveletters dahil sa text messages, emails, status shoutout, etc at niyakap ko na rin ang totoong ako... ay parang mas feel ko pa rin na gumawa ng sulat kesa gawin ang alternate means of expressing ones emotions. Especially ngayon na inlababoo ako ke Maoy (Miko).

Kagabi naisip kong gumawa ng sulat para ke Maoy, isang sulat na sa personal ay di ko masabi sabi sa kanya ang nilalaman. Kailangan ko pong tagalugin ang sulat na ito just in case na maligaw sya sa blog na ito ay maiintindihan naman nya at di na nya kailangan ang maraming brain cells mapa madigest ang gusto kong sabihin... Takot kasi akong magnose bleed sya at baka mainternal hemorrhage pa si Maoy...Kaya eto po kinalabasan ng loveletter ko..

Mahal kong Maoy,

Alam kong hindi ka sanay sa ganitong relasyon. Alam kong ako ang una mo kung kaya kung minsan pareho tayong nahihirapan sa sitwasyon natin. Madami tayong dapat na isaalang alang sa relasyon natin kung kaya kung minsan di natin maiwasang pareho na malito sa bagay bagay na dapat nating gawin o iwasan para magtagal tayo kaya nagbubunga ng di pagkakaunawaan at awayan nating dalawa.

Alam ko na kahit papano ay nagsisikap ka para tumagal tayo. Kung minsan di ko man pansin ang effort mo kaagad, pero kapag binabalikan ko naman ang mga pangyayari ay unfair naman na sabihin ko na ako lang ang nag eeffort sa relasyon natin. Madali akong magalit alam mo yun, pero iyon ay bunga lang siguro ng mga insecurities ko, alam ko kasi na darating at darating ang panahon na maghihiwalay tayo at bubuo ka ng pamilya mo.

Hindi ko pinlano na main-love sa yo, di ba alam mo na may bf ako nang may nagyari sa atin na naging dahilan ng pagbulusok ko sa iyo. Unang-una ayoko sa basag-ulo at sa tarantado, masyado ka lang nagpacute sa akin at tinukso mo ako kaya ako nahumaling noon sa yo. Pero di ko talaga inaasahan na matutuloy sa ganito ang lahat.

Kung saan man hahantong tayo ay di ko alam. Ang tanging alam ko ay andito tayo, at masaya ako sa relasyong ito. Ewan ko lang kung ikaw ay totoong masaya din sa mga pangyayaring ito. Kung hanggang kelan tayo, di ko rin alam. Pero tandaan mo palagi kahit wala na tayo, sa yo lang ako nagkaganito. Sabi ko nga sa shout out ko "I have no assurances, but I wanna keep it this way."

Sa nga ngayon gusto kitang bigyana ng pagkakataon na ayusin ang buhay mo. Andito ako para i guide ka at akayin sa tamang landas (tama daw oh hehehe). Andito ako para tulungan ka. Tulad ng palagi kong sinasabi sa yo, handa akong magsakrupisyo para sa iyo. Pero sana, ingatan mo rin ako at pahalagahan ang mga bagay na ginagawa ko para sa iyo. Nasa sa yo naman yan eh... kung gusto mo ng maayos na buhay balang araw..

Hanggang dito na lang at sana nakuha mo ang gustong iparating sa iyo.

Nagmamahal
MM


corny... pero wala ganyan talaga si MM pag nagmamahal.. Hayzzz!

Saturday, July 17, 2010

Status Message

Wala akong maisip na pangyayari these past days na gustong isulat at ishare sa inyo... These past days kasi eh medyo so so lang ang mga kaganapan sa buhay ko..

With regards to Miko naman, so far maayos na kami at hindi na nag aaway. He sees to it na itext ako from time to time at may matching sorry pa yun sa facebook account nya... at ang status nya ngayon "Ano ba ang gusto mong gawin ko, sabihin mo lang?". Bantay sarado pa ngayon sa facebook kung kelan ako online at tsaka magsesend ng message na "sorry na po, sige na bati na tayo". O di bah.. hehehe kung di mo nga ba naman mapapatawad pa yan...

Ayun to make the long story short, hindi ko na rin inaway at pinatawad ko na talaga. In fairness naman to him, he looks sincere sa paghingi ng tawad sa akin. Paggising ko sa umaga eh may "good morning gha" na akong text na mababasa at sa gabi naman bago matulog ang mokong ay magsesend pa ng "gudnyt na mahal ko tulog na q". Meron nga naman talagang pinagbago si maoy.

So going strong muna ang drama namin ngayon. Sana naman ay magtagal pa ito. Ayoko naman na from time to time ay nag aaway kami. Nakakapagod na kasi ang palaging awayan....

Yan lang po muna dear readers ang maiishare ko sa ngayon. I'll keep you posted promise..

Tuesday, July 13, 2010

Gaano ako Ka - Praning?

Paano ka ba magmahal... isang linya na palagi nating naririnig sa pelikulang heavy drama, o kaya'y sa Maalaala Mo Kaya, naririnig sa mga dula sa radyo, sa mga nakakabagbag damdaming awiting, o kaya'y nababasa sa mga pocketbooks, blogs sa internet at sa kung anu ano pa... Pero natanong na ba natin ang mga sarili natin kung paano tayo magmahal?..

Paano ba magmahal si Miko's Mistress?... ang sumusunod ay ang mga pagpakagaga ko dahil sa pagmamahal hehehehe..

1. Kailangang makita o makausap ko sya araw araw (text included).. This explains ang pagkaburaot ko pag di nagtetext si Miko. Nung nasa pinas pa ako kesehodang araw araw akong nakikita sa may eskinita malapit sa kanila. Pakialam ko ba sa mga tsismosa dun sa kanila. Mamatay kayo sa inggit. O di kaya'y ipapasundo ko na lang sa driver para dun naman kami sa bahay kubo ng buong maghapon... over noh? pero number one pa lang po yan...

2. Pag umaalis ako sa Poland (pulo o isla) kailangan me pasalubong ako pagbalik. Ilang Penshoppe na t shirt na kaya ang nabili ko ke mokong? Baka nga yung iba nagkapareho na pala ng designs sa dami ng nabili o di kaya'y tsinelas ng bench... nagpagawa na nga ako ng sariling aparador sa bahay kubo para sa mga tsinelas naming dalawa kasi yon din ang passion ko kaya kung meron ako dapat meron din sya...

3. Pag umiinom ako kelangan anjan din sya. Di ako pwedeng lumaklak ng alak na wala sya. Alam nyo naman po ang inyong lingkod miminsan lang uminom pero kelangan wakwak ang atay bago tumigil dahil inaabot po ako ng dalawang araw kung minsan sa inuman. (baka di maniwala ang iba sa inyo pero ganyan po ako katibay sa inuman lalo na pag ako ang gumagasto huhuhu). Kelangan anjan sya para inspired ako uminom hehehehe..

4. Pag wala ako sa pinas kelangan maintain ang allowance nya. Kahit di na humingi kusa ko nang pinapadala every end of the month. Kahit na bawasan ko muna savings ko basta wag lang magalaw ang allowance nya... Na kung minsan kahit di nya ako itext gamit ang unlimited text nya sa roaming ko ay okay lang buo pa rin allowance ni mokong.

5. Kahit kung minsan ginagago ako okay lang. Iilang beses na ba akong nakatanggap ng wrong sent nya para sa mga babae nya, ang sagot ay... di ko na mabilang. There were times that I confronted him about it that he unhesitatingly denied na nakitext daw kaibigan nya at agad ko namang tinatanggap despite na sabi ng utak ko... "napakatanga mo". At yung muntik na kaming maghiwalay dahil ng mag open ako ng facebook account ko nakita kong online sya, so greet naman ako "musta na", nahulog ako sa upuan ng sumagot "di po ito si Miko, GF nya po ito". Instead na sumagot ako ay inilog-in ko account nya (ako yata gumawa nun hehehe) kaya ayun pinalitan ko password kaagad. Windang ang babae nya sa status na pinost ko " Hey You!... Yes you bitch! Whoever you are using this account... basahin mo to... Ang kapal ng muka mo, ninyo.. go to hell magsamam kayo!", pero nang magsorry si Maoy ng dalawang araw ay pinatawad ko na rin...

6. Madali po akong amuin pag mahal ko ang tao. Kunting lambing lang ay makakalimutan ko lahat ng kawalang hiyaan na ginagawa sa akin. Ewan ko ba, matalino naman ako, grumaduate with latin honors sa Engineering. Ayon sa on line IQ test 118 ang IQ ko pero nagpapaloko sa taong ang IQ ay di yata umabot ng 80...

Iilan lang po yan sa mga kagagahan ko pag umiibig ako... Luckily miminsan lang naman ako kung umibig, to be exact tatlong beses pa lang po in my 30 something years of existence.. Yaan ninyo pag me nangyari na namang kagagahan ko sa pag ibig na hindi nabanggit sa itaas ay iuupdate ko blog na ito...

Sunday, July 11, 2010

Moving On

Paano ka ba mag momove on kung mahal mo pa ang tao?

For more than two weeks I've been contemplating on breaking up with Miko and moving on with my life anew. I've had enough of our fights, of his lies and deceptions. Thrice, I attempted to break up with him but the thought of it is not going further than my throat.

Nagkaroon rin pala ako ng tsansang sabihin sa kanaya na gusto ko nang matapos ang relasyon namin pero iginigiit nya na mahal nya rin ako at ayaw nyang maghiwalay kami. Hindi ko daw nararamdaman ang pagmamahal nya... Oo maaaring tama sya kasi kahit anong pilit na pagtatakip ko sa sarili ay talagang di ko maramdaman na mahal nya ako. Or maybe I am just expecting too much from our relationship kaya ako nagkakaganito. Pero his actions are the total opposites of what he is trying to tell me...

Kahapon, nag away sila ng ex ko, tinanong ko sya kung ano nangyari, kalahati lang sa sinabi nya ang totoo. Remember na may balak akong kausapin ang ex ko, so ayun na nga nang makausap ko ang super bait kong ex ay nalaman ko ang totoo. It was Miko who started the fight. Yung ugali nyang pag nalalasing ay war freak. Hindi naman sa nag aaway kami pag nalalsing sya, I mean hindi pa nya ako inaway ng lasing sya pero pag iba ang kasama nya ay lumalabas ang ugali nyang yon at naghahanap ng gulo. Kawawa lang si gerald kasi sa sobrang sama ng loob ay umiyak na lang dahil ayaw nyang saktan si Miko una dahil magkaibigan sila at pangalawa ay dahil sa akin...

Kagabi nang malaman ko ang totoo ay di ko na alam kung maniniwala pa ako kay Miko o hindi. Dagdagan mo pa na nalaman ko rin na pinagmamalaki nya sa mga kaibigan nya pag nagpapadala ako ng allowance nya at inuubos sa painom sa barkada nya. Kabilin bilinan ko pa naman sa kanya na ayaw kong sasabihin nya sa mga kaibigan nya yun.

Gusto ko nang mag move on, makipag break at mamuhay ng malaya sa kanya.... Pero alam ko mahal ko pa rin sya despite all of these... How i wish the time would come that I will wake up one day at di ko na sya maalala, para di na rin ako masaktan..

I want to move on and I want it soon...

Torn Between Two Lovers...

Alas tres ng madaling araw ginising ako ng isang text message sa roaming ko.

"Musta na jan, happy birthday ulit."

Galing kay Nonong ang text. Isang common friend namin ni Miko. At dahil magkasabay kami ng birthday ni Nonong minabuti kong tawagan sya para na rin igreet ng "Happy Birthday" din. Pero naloka ako sa ibinalita ni Nong sa akin.

"Alam mo ba MM si Miko at si Gerald nagsuntukan kagabi."

Si Gerald ang ex - boyfriend ko before naging kami ni Miko. Actually nag overlap nga sila nang dalawang linggo dahil tinimbang ko muna silang dalawa. Napagtanto kong mas mahal ko si Miko kaya nag usap kami ni Gerald upang makipagkalas ako sa kanya at para na rin humingi ng tawad dahil sa pagiging salawahan ko hehehehe....

Bigla akong nagworry dahil baka may kinalaman sa akin ang suntukan ng dalawa at biglang ma involve ako sa public scandal. Matuk mo isang bading pinag aawayan ng dalawang lalaki. Haba sana ng hair ko pero mas lumalamang ang hiya ko sa sarili. Pano na lang kung malaman ni "father dear" at ni "nanikz" baka atakehin sa puso ang dalawa. Yun ang ayokong mangyari.

So, may I ask ako kung ano ang pinag awayan ng dalawa, pero ayon kay nong parang wala namang dahilan kasi naunang sinuntok ni Miko ang nananahimik na si Gerald.

Hindi naging malinaw sa akin ang explanation ng ngongong si Nong (kaya sya tinawag na nong dahil sa kapansanan nya, pero mabait posya swear), kaya hanap ako ng iba ko pang undercover agents hehehe. Pero lahat ng napagtanungan ko ay ganun din ang sinabi, basta na lang sinuntok ni Miko ang ex ko habang nag iinuman sila sa birthday party ni Nong.

Ayun dahil napagod ako at napagastos na tinawagan ko na lang si Miko at tinanong kung ano nangyari.

Sabi ni Miko, bigla na lang daw nagpaprinig si Gerald kaya ayun tumayo sya bigla at nagkagulo na. Hindi naman daw sila nag pang abot. Di naman daw nya nasuntok si Gerald.

Pero dahil mas maraming kaibigan namin ang nagsasabing nasuntok nga daw nya si Gerald kaya naniniwala akong nasuntok nga nya ang ex ko. Kaya ngayon kating kati ako na makausap si Gerald without Miko's knowledge para tanungin kung ano ba talaga ang nangyari. malas nga lang at umalis papuntang kabilang isla para maningil ng mga pautang nya sa negosyo.

Pero kung ako ang tatanungin mas naniniwala ako sa sinasabi ng mga kaibigan namin na walang kasalanan si Gerald. Mahigit isang taon na naging kami ni Gerald kaya kilalang kilala ko sya. Pag nakakainom yun ay pangiti ngiti lang at pag masyadong bangag na ay magsusuka lang yon. Hindi man lang nagkaroon yun ng katalo sa inuman ni minsan. Ni hindi kami nagkaroon ng away na dalawa sa loob ng mahigit isang taon.

Kung ucocompare ko silang dalawa, di hamak na mas mabait si Gerald, pero anong magagawa ko mas mahal ko si Miko... Kaya ngayon nasa gitna ako. Neutral ground baga sa kanilang dalawa... Nagmahal ako ng sanggano kaya ayan pinagdudusahan ko..

Kung anu man ang nangyari babalitaan ko kayo after kaming mag usap ni Gerald...

Friday, July 9, 2010

Feliz cumpleaños a mí

Happy Birthday to Me....

Yes its my birthday today... When I was a kid, every year I am always looking forward this day. Ito ang araw na palagi ay maraming handa sa bahay. Hindi naman kami mayaman pero my parents will see to it na kung may birthday sa isa sa aming tatlong magkakapatid ay hindi nawawalan ng handa sa bahay. Kahit na simpleng pancit lang at cake para sa amin ay sapat na ito para maramdaman namin na espesyal ang araw ng kapanganakan namin.

Ngayong matanda na ako at kaya ko nang maghanda para sa sarili ko, there's no reason para hindi maging masaya ang araw na ito para sa akin. I may be far away from home, but thanks to the advent of technology, I can always call home whenever I want to be happy. I can buy expensive gifts for myself such as gadgets, jewelries, clothes, and other luxuries which in my younger years was just dreams for me.

Really there's no reason not to be happy..

But the irony is, I am not completely happy on my birthday. I dont feel like this day is the same as I used to have it when I was a kid. Gone is the excitement of waking up early to say thank you for every birthday greeting I will receive throughout the day.... I know i will receive numerous greetings and smiling faces today, but there's one greeting and smiling face face i want to hear and see today.... Its from you!

Thank you for calling early mahal... But it seems not enough to ease the pain of wanting to hold you today. Kahit palagi tayong nag aaway, para tayong aso't pusa kung minsan pero i can't deny it na I will alaways want nobody but you...

Tuesday, July 6, 2010

Ang Advice ni Kumpare

Gosh!!! I am feeling happy today. Masaya akong nagising and still I am looking forward to a very happy day hehehehe... Eugene's advice is working really well hehehehe.

Ginising ako ng text ni Miko around 4:00 am...

Miko: Gud morning mahal q.. (take note how he addressed me... landiihh)
MM: Good am din sa yo Miko (trying not to sound elated)
Miko: Musta na jan ang mahal q?
MM: ok lang kaw musta naman jan? himala maaga mo aqung naicp, me lagnat ka ba?

Muntik na akong mahulog sa kama sa reply nya..

Miko: mga tambay lang kaming sawa sa babae, mga babaeng manloloko, piniperahan lang kami. Kaya ngayon bakla na lang ang aking iibigin, kay sarap magmahal ng bakla o kay sarap damhin...

medyo corny, pero I'll be honest talagang kilig to death ako hahaha.. pero not to sound obvious..

MM: hala kumain ka na ba? Parang di ka yata normal ngayon?
Miko: hindi pa mahal q.... at normal ako sinasabi ko lang ang gusto kong gawin.. bakit ayaw mo?
MM: ikaw bahala ka (pakipot pa talaga...)
Miko: parang wala ka namang ganang magtext cge na nga mamaya na lang.. ingat ka jan mahal q..
MM: Cge kaw din ingat jan..
Miko: Luv u mahal q
MM: OK
Miko: Ganun lang?
MM: Bakit ano ba gusto mo?
Miko: May nakakalimutan ka..
MM: anu yon?
Miko: hmmmnnn cge text na lang kita mamaya kung ano yun..
MM: Cge

Take note wala nang "I love you" and "I miss you" ang text ng inyong abang lingkod. At sinunod ko talaga ang isa sa mga payo ni Eugene na "dont sound so excited pag nagtetext or nag uusap sa yo". Maraming salamat Eugene talagang maasahan ka sa advicing ek ek na yan.. Pwede ka talagang magtayo ng consultation firm when it comes to this matter.. Love you kumpare...

Monday, July 5, 2010

Galit Galitan

Kahapon ginising ako ng text ni Miko... "h! gud morneng...".
Di ako nag reply...

Alas nuebe (meaning alas dos sa pinas) nag text uli tatlong beses "ingat ka jan...".
Di pa rin ako nagreply...

Ala una nag text ulit.. "hi can u bhe my textmate..".
Di parin ako nagreply..

Opo tinitikis ko ang sarili ko na di magreply. Nung nakaraang gabi kasi out of depression, tinawagan ko ang dati kong katrabaho sa pinas at dun ibinuhos ang lahat ng sama ng loob ko.. Isa sya sa mga lubos na nakakakilala sa akin kung kaya walang puknat na paghihinagpis ang napakawalan ko. Salamat naman at accommodating din si Eugene at pinakinggan ang sentemyento di asukal ko. Nagbigay pa ng advice..

"Huwag mong tawagan, huwag mong itext para maramdaman nya kung ano ang nararamdaman mo pag di ka nya tinetext. At higit sa lahat huwag mong susustentuhan para sya magtext kung kelangan nya."

yun nga po ang ginawa ko.. kesehodang nakangiti na ako sa natatanggap kong messages ay di pa rin ako nagrereply...

Kinaya ko po yun hanggang alas tres. Pero naisip ko pwede naman pala ako magreply pero pasaring kaya ayun nadisregard ang advice ni Eugene.

MM: xory now lang me nagpaload eh.

pero sumagot...

Miko: tawag ka naman oh
MM: y?
Miko: gusto kitang makausap, me tanong ako..
MM: yoko nga
Miko: sige na miss na kita..
MM: me kailangan ka cgur
Miko: wala me tatanong lang..
MM: sandali

at yun na tumawag na naman ako (sorry talaga Eugene).

Miko: wag ka na kasing magtatampo, kinakabahan tuloy ako pag di ka nagtetext...akala ko me nangyari sa yo.
MM: so naiintindihan mo na kung ano nararamdaman ko pag di ka nagrereply...
Miko: oo na at wag mo na uulitin yan ha..
MM: depende
Miko: depende kung...
MM: depende kung pasaway ka pa rin eh di tigil na ko sa pagtawag (at least nagpaparesyo ako noh..)
Miko: basta isipin mo lang na di kita ipagpapalit
MM: bola
Miko: wala nang iba peks man..
MM: oo na
Miko: sige na basta magtetext ka na ulit ha..
MM: ok bye
Miko: ok

For the very first time di ako nagsabi ng "I love you" sa pag uusap namin dahil gusto kong iparamdam sa kanya na nababawasan na nararamdaman ko sa kanya kahit etsus lang hehehehe...

Kaya ayun in good terms na kami ulit, pero di na ako mauunang magtext sa kanya.. promise yan Eugene hehehehe...

Hanggat Kaya Ko

Parang di ko na yata kaya........

After almost two months na naging tayo ay ilang beses na akong patagong umiiyak. At lalong nararagdagan ang sakit ng katotohanang wala akong mapagsabihang iba ng bigat ng loob ko. Pilit kong ipinapakita sa trabaho at sa mga kaibigan ko na okay ako pero pasapit ng alas - singko hanggang sa abutin ako ng antok ay iniluluha ko ang bawat oras na di mo ko maalala..

Ilang ulit ka na bang naunang magtext? Isa, dalawa, tatlo pero ang mga yun ay nagfofollow up lang sa bagay na hinihingi mo kaya nagkakaroon ka ng initiative na magtext. Pero ilang text ko na ba ang hindi mo nireply? At kung magrereply ka nga ay palaging "sorry now lang kc me nakapaload" o di kaya'y "sorry low bat kc me".

Pilit kong hinahanapan ka ng katwiran kung bakit ganun ka. Siguro sabi ko baka wala lang pambili ng load. Siguro nasa walang signal. Pero hindi, napadalhan naman kita ng higit sa pambili ng load at pag minimiss call kita ay palagi namang nagriring ang cellphone mo....

Oo na nagpapabulag ako sa nararamdaman ko, pero wag mong isiping tanga ako. Alam ko ang totoo na mahal mo ako pag kailangan mo ako, pero umaasa pa rin ako na darating ang araw ay mapapansin mo rin ang lahat ng bagay na ginagawa ko para sa yo. Umaasang balang araw ay bibigyan mo din ng halaga ang lahat ng ito... Mahal kita ngayon Miko pero ayokong dumating ang araw na mapagod ang puso ko sa pagmamahal sa iyo at mauntog ang ulo ko at biglang matauhan ako...

Mahal kita hangga't kaya ko... pero pano pag sumuko na ako?

Sunday, July 4, 2010

Blog Title...

opo kapapalit ko lang po ng pangalan ng blog na ko. I decided to name this blog after the person who inspired me to go back to the blogosphere. Sa taong ngayon ay dahilan ng bawat ngiti ko, sa taong syang dahilan din ng bawat pagluha ko.... to the person who taught me how to close my eyes and ignore all reasons.. and just leave everything to fate.. But isn't this is only happening when you are in love?

Yes, I may be foolish to some but I am just being true to myself... thus for being true to myself, I am dedicating this blog to you Miko Jimena...

Cellphone

Di ko akalaing darating ang panahon na magiging musika sa aking pandinig ang tunog ng aking cellphone. Sa sa bawat "toot toot" nito ay para akong idinuduyan at gumagaan ang aking pakiramdam. Di ko rin sukat akalain na magiging tagapag gising ko sa umaga ang bawat " 1 message received sa aking cellphone. Dati rati ay kulang na lang ay magbasag ng mga plato at baso para ako magising sa umaga pero ngayon kahit na nasa pinakamahina ang volume level ng aking cellphone ay nagigising ako at naghahanda para sa isang napakagandang umaga hatid ng mensaheng laman ng telepono ko.

Dati rati ay takot akong magbasa ng messages sa roaming number ko dahil alam ko naman na ang parating nilalaman nito ay paghingi ng tulong (pera) mula sa pamilya ko at mga kamag anak sa Pilipinas. Ngayon ay hinahanap hanap ko sa bawat oras ang muling pagtunog ng ng roaming phone ko, at sa bawat pagtunog nito ay umaasa ako na galing sa iyo ang nilalaman ng bawat mensaheng matatangap ko.

Kung dati rati iniiwanan ko sa bahay ang roaming  ko at di ko nga halos pansin sa pag uwi ko, ngayon naman ay halos di ko na maiwalay sa katawan ko ito.

Inaamin kong nagiging sanhi ng kaligayahan ko ang bawat mensaheng nababasa ko mula dito. Naiibsan ang mga pangungulila ko sa yo dahil sa cellphone ko.

Pero ngayon nagiging sanhi din ng kalungkutan ko ang bawat araw na hindi tumunog ito. Naghahatid din ng pangungulila kung di ako makatanggap ng mensahe mula sa iyo. Nagiging pighati ang mga bawat oras na umaasa ako na sa hindi magtatagal ay maisipan mong itext ako...

Pero kahit na ganito ay hindi ko ihihiwalay ang cellphone ko dahil patuloy na umaasa ako na maiisip mo ako at isang araw ay muling tutunog ito at maghahatid ng mensahe mula sa iyo...

Maghihintay ako... pati ang cellphone ko, sa kahit isang mensahe mula sa iyo mahal ko..