Sunday, August 15, 2010

Touch of Nothingness

Minsan may mga panahong gusto kong gumawa ng posts sa blog na ito  pero wala akong maisip na experience ko or anything worth writing. Kahit na anong piga ko sa utak ko dahil sa isang garapon na essence of chicken na nilaklak ko kahapon ay wala talagang lumalabas na thought sa utak ko kahit man lang tilaok o putak ng manok.

May mga araw din na feeling ko superfluous ang utak ko and I can write thousands of topic in a given day. Yung feeling mo Mr. know it all ka at pang best in interview ang condition ng utak mo na kakabugin mo ang lahat ng kandidata sa Miss Universe pag dumating na sa final question. Its that day when you wake up in the morning with a lot of happy memories you feel you want the rest of the world to know bu I end up writing not a single word oras na lumapag na ang aking mga daliri sa computer ko..

Siguro kailangan ko na talagang magbaon ng notebook para may I take note ako sa lahat ng mga thoughts na dumadaan sa utak ko, para kung dumating yung time na inspirado ka na uling magsulat ay titingnan mo na lang yung mga notes mo at presto pwede ka nang kumanta ng "Its all coming back, its all coming back to me now" ni Celine Dion. Siguro hindi na rin ganun ka fertile ang utak ko tulad ng dati ng nananalo ako sa mga Regional Press Conference sa Literary at Feature Writing Category.

Pero kung minsan nagpapasalamat din ako sa mga oras na bag down ang utak ko. Sa mga panahong inaabot ako ng katamaran sa pagsusulat. May mga oras na pinagsisishan ko ang mga naisulat ko especially yung mga "spur of the moment" articles ko. Ganun pa man kahit pinagsisihan ko ang ibang articles ko ay di ako kailanman nagbura o nagdelete kahit isa sa mga posts ko. Feeling ko isang napakalaking kasalanan yon.

Hindi ako gumagawa ng drafts ng mga blog ko. Lahat ng mga nasisulat ko dito ay direkta kong isinusulat sa blog na ito. Kaya wala akong chance para magbasa ng mga drafts at mamili kung alin ang dapat i post. Kaya masasabi kong lahat ng mga post dito ay puro "raw" o unedited.

May mga iilan na nakakabasa ng posts ko na natutuwa at may iilan din naman na otherwise ang reaction. Sa mga natutuwa, nagpapasalamat ako dahil kahit papano ay naapreciate ninyo ang blog na ito. Sa mga naiinis naman at masyadong destructive ang criticism, wag po kayong mag alala, bagito pa po ako at ang lahat ng mga criticism ninyo ay gagamitin ko para gumawa ng mas mahusay na posts. Iisa lang ang hinihingi ko sa inyong lahat, samahan nyo na lang ako sa aking paglalakbay at sa pagtahak ko sa buhay na pinili ko... Isang buhay na hindi man katanggap tanggap sa ilan pero ito ang buhay kung saan masaya ako, at malayang gumawa ng mga na nagpapasaya sa akin. At pangako ko po sa inyo na hanggat kaya ko ay ibabahagi ko po sa inyo ang buhay sa pamamagitan ng blog kong ito.

"Love me or hate me" lang naman po iyan. Kung ayaw nyo wag kayong magbasa para hindi ko masayang ang oras ninyo.




"When I write down my thoughts, they do not escape me. This action makes me remember my strength which I forget at all times."

No comments: