Una... kung di mo masyadong gamay ang computer at pag iinternet kalahating araw ang kakailanganin mo para lang gumawa ng account dito sa blogger (hindi po ako nagdadahilan kung bakit dalawang taon ang pagitan ng aking una at pangalawang post...hehehe).
Pangalawa... sa pag-iisip pa lang kung ano ang pamagat ng blog mo kailangan meron kang isang kilong pasensya. Tulad ng blog na to! Nakailang revision din ako bago naging Islander in the desert ang title ng blog na to...
Nagnosebleed nga ako nung tinatry ko mag isip ng pamagat sa blog na to... Una naisip ko Judge Dredd.... (ito ang title ng blog ko for two years before I went on a hiatus for unknown reason hehehehe). O dahil na rin parang di pa ko nabobored sa routine life ko dito sa disyerto... Kanina lang pagkatapos ko ipost yung second blog ko napag isip isip ko yukkks... anbaho naman ng title.... ano to blog ni Arnold Schwarzenegger???? para namang terminator....
Second attempt... DESERT NOMAD.. Hmmmnnn parang okey na... save settings na... After ko maligo I decided to search my blog using the title... putsa andami palang kung anu ano na yun ang pamagat.... Balik ako sa account to habang nagiisip ng title... Ano kaya ipapangalan ko..... tokneneng naman, pangalan pa lang ng blog sumasakit na ulo ko.... pero di bale, test to sa patience ko at determination....
Estranghero sa Disyerto... Pinoy sa Disyerto... desert wanderer... at kung anu ano pang pngalan na di ko nakumbinsi ang sarili ko na satisfied ako... Hanggang sa inabot na ako ng panunubig sa kaiisip. Tayo ako punta ng banyo, isinuot ang tsinelas at pumunta sa banyo. Pagkatapos ko umihi balik ako sa kwarto, hinubad ko tsinelas ko tiningnan ko tatak ISLANDER... Bah pwede to... parang ako taga Pilipinas..Mga isla, at nasa disyerto naman ako ngayon... Hmmmnnn bakit hindi.... Islander in the Desert!
Yan mga tsong ang kasaysayan kung bakit ito ang title ng blog ko...(O sabihin na nating interim lang muna hanggang sa makaisip ako ng mas magandang pangalan).... Massalama!
No comments:
Post a Comment