Ang araw ng Eid al-Fitr ay nagbabago bawat taon ayon sa Gregorian Calendar dahil hindi ito parehas ng Hijira Calendar. Ang Hijira Calendar ay kulang ng 11 days kung ikukumpara sa Gregorian Calendar. Kung kaya taon -taon ito ay napapaaga ng 11 days din. Pero ito ay nagbabago din sa bawat bansa depende kung kelan nagpakita ang buwan.
Para sa mga kapatid nating mga muslim ito ay hudyat ng pagtatapos ng banal na buwan ng Ramadan. Ito ay simbulo din ng pagtatapos ng kanilang isang buwang pag aayuno. Ngunit para sa ating mga kabayang pinoy na nagtatrabaho dito sa Middle East, ito ay tatlong araw ng pahinga sa trabaho. Ito ang araw na inilalan para sa mga personal na gawain tulad ng pamamahinga o pamamasyal. Ito ang dahilan kung kaya inaabangan din din nating mga non-muslims pinoy ang araw ng Eid.
Ibat - ibang gawain ang nais gawin nating mga pinoy sa araw na ito tulad ng pakikipagkita sa mga kaibigan at kamag - anak na parehong nasa Gitnang Silangan din. Ang iba naman ay itinataon na lamang ang mga paghahanda sa birthday o anumang okasyon sa araw ng Eid kung ito'y malapit din lang. Kaya hindi kataka - taka na meron sa ating mga kababayan ay planado na ang activities isang buwan bago and Eid.
Anuman ang mga itineraries natin sa Eid, huwag nating kakalimutan ang kahulugan nito para sa ating mga kapatid na muslim. Igalang natin ang kanilang relehiyon at kultura upang maiwasan natin ang malagay sa di kanais-nais na sitwasyon dala ng paglabag sa mga ito.
Sa mga kapatid naming muslim "EID MUBARAK"
No comments:
Post a Comment