Wednesday, September 30, 2009

TGIW

Thank GOD It's Wednesday... Dito po sa Middle East it's not TGIF (Thank God It's FridaY), but its TGIW. The week here starts on a Saturday and ends on Friday. Working days start on Saturdays and end on Wedenesdays (we have a five day work week).

At the start, I really had a problem starting the day on Wednesday. Who could blame me? I spent almost my entire life starting a week on Monday and ending it on a Sunday. Moreover, I was accustomed to a weekend of church and family gathering. All of a sudden, I am here in the Middle East and needs to adapt with their culture.

I was very confused before that whenever my boss is asking me to finish a report on weekends, I always tell my him that I will submit it on Monday (third working day of the week). I will just be aware that I said saomething wrong when wrinkles will start to appear on his forehead hahahahaha..... And to tell you not only us filipinos are prone to this mistake because my colleagues who are westerners also commit the same mistake.

Now, after more than three years of juggling days of the week, I can say that I am now used to starting my week on a Saturday and ending it on a Friday. But the problem is when I go home for my vacation, the confusion are again starting to build up.. hehehehe. I am feeling lazy on Thursdqays and fridays and will prefer to just lie down on my bed than doing things I used to do on a working day...

But whenever I am here in back in ME... at 5 PM.... I can always say TGIF!

Monday, September 28, 2009

bagyo, baha at bayanihan...

Sensya na, medyo busy lang kasi ako itong mga nakaraang araw at wala akong connection sa flat kaya di ako nakapag post....

Talagang nakalulungkot ang trahedyang dinans ng ating mga kababayan nitong nakaraang araw. Kasabay ng "Bagyong Ondoy"(International Code Name : Ketsana) ay bumuhos ang napakalakas at walang patid na ulan sa kabuuan ng Metro Manila noong Sept. 26 na naging dahilan upang bumaha sa halos lahat ng panig ng kalakhang maynila.


As of 28 Sept. 2009, ayon sa National Disaster Coordinating Council o NDCC 73 katao ang namatay, 23 ang nawawala at marami pa ang sugatan dahil sa pagbaha. Umabot na rin halos sa 650, 000 ang naapektuhan ng kalamidad.

Karamihan sa mga sinalanta ay nagmula sa Marikina City, Pasig City, Rizal at mga kalapit na lalawigan nito. Ang higit na tinamaan ng baha ay ang marikina City, lalo na sa Provident Village, kung kaya hindi kataka taka na karamihan sa mga nasawi sa baha ay mula sa nabanggit na lugar.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Admi¬nistration (PAGASA) flood forecasting center, ang bumuhos na ulan kahapon ay katumbas ng halos dalawang linggong normal na pag-ulan. Nabatid pa na simula alas-otso hanggang alas-11:00 pa lamang ng umaga ay umabot na sa 112 millimeters ang volume ng bumuhos na ulan at sobra-sobra na umano ito para bumaha ang malaking bahagi ng Kalakhang Maynila. Bagama’t sunud-sunod ang bagyong pumasok sa teritoryo ng Pilipinas nitong nakalipas na tatlong linggo, ang pinagsama-sama nilang buhos ay naitala lamang sa sukat na 300 millimeters.

Marami sa ating mga kasamang OFW ang naapektuhan ng kalamidad, lalo na ang mga may pamilyang nakatira sa mga lugar na nabanggit. Hindi naman nagpapabaya ang mga samahan ng mga manggagawang pinoy dito sa Middle East at agad agad namang rumesponde para makatulong sa mga kababayang nasalanta. Ang iba ay nagpaabot ng personal na tulong sa mga kasamahan dito. Ang iba naman ay piniling tumulong sa ibang paraan tulad ng pagpapadala sa Sagip Kapamilya ng ABS CBN.

Talagang makikita mo ang bayanihan sa ating mga pinoy sa panahon ng kalamidad at pangangailangan. Hindi natin hinahayaang lumagpas ang chance na makatulong sa ating kapwa sa panahon ng unos. Makikita mo sa newspaper o TV na buhay na buhay ang diwa na nagbubuklod sa ating lahat.

Isa ang "diwa ng bayanihan" sa mga dahilan kung bakit masasabi nating masarap pa ring maging Pilipino. Oo nga't mahirap ang ating bansa at lubog sa utang, ngunit ang ugali at kultura nating mga pinoy na hinahangaan kahit saan man sa mundo ay isa sa mga bagay kung bakit dapat pa ring ipagmalaki ang pagiging isang Pilipino....

Tuesday, September 22, 2009

What's in a name?

Hirap pala magblog...

Una... kung di mo masyadong gamay ang computer at pag iinternet kalahating araw ang kakailanganin  mo para lang gumawa ng account dito sa blogger (hindi po ako nagdadahilan kung bakit dalawang taon ang pagitan ng aking una at pangalawang post...hehehe).

Pangalawa... sa pag-iisip pa lang kung ano ang pamagat ng blog mo kailangan meron kang isang kilong pasensya. Tulad ng blog na to! Nakailang revision din ako bago naging Islander in the desert ang title ng blog na to...

Nagnosebleed nga ako nung tinatry ko mag isip ng pamagat sa blog na to... Una naisip ko Judge Dredd.... (ito ang title ng blog ko for two years before I went on a hiatus for unknown reason hehehehe). O dahil na rin parang di pa ko nabobored sa routine life ko dito sa disyerto... Kanina lang pagkatapos ko ipost yung second blog ko napag isip isip ko yukkks... anbaho naman ng title.... ano to blog ni Arnold Schwarzenegger???? para namang terminator....

Second attempt... DESERT NOMAD.. Hmmmnnn parang okey na... save settings na... After ko maligo I decided to search my blog using the title... putsa andami palang kung anu ano na yun ang pamagat.... Balik ako sa account to habang nagiisip ng title... Ano kaya ipapangalan ko..... tokneneng naman, pangalan pa lang ng blog sumasakit na ulo ko.... pero di bale, test to sa patience ko at determination....

Estranghero sa Disyerto... Pinoy sa Disyerto... desert wanderer... at kung anu ano pang pngalan na di ko nakumbinsi ang sarili ko na satisfied ako... Hanggang sa inabot na ako ng panunubig sa kaiisip. Tayo ako punta ng banyo, isinuot ang tsinelas at pumunta sa banyo. Pagkatapos ko umihi balik ako sa kwarto, hinubad ko tsinelas ko tiningnan ko tatak ISLANDER... Bah pwede to... parang ako taga Pilipinas..Mga isla, at nasa disyerto naman ako ngayon... Hmmmnnn bakit hindi.... Islander in the Desert!

Yan mga tsong ang kasaysayan kung bakit ito ang title ng blog ko...(O sabihin na nating interim lang muna hanggang sa makaisip ako ng mas magandang pangalan).... Massalama!

Eid al-Fitr

Ngayong taon ang Eid al-Fitr ay pumatak sa ika-20 ng September, araw ng linggo, pero sa kalendaryo ng mga muslim (Hijira) ang pagcecelebrate ng Eid ay magsisimula sa sunset ng nakaraang araw. Ibig sabihin nito na ang mga kapatid nating mga muslim ay nagcelebrate ng Eid simula noong gabi ng ika-19 ng September.


Ang araw ng Eid al-Fitr ay nagbabago bawat taon ayon sa Gregorian Calendar dahil hindi ito parehas ng Hijira Calendar. Ang Hijira Calendar ay kulang ng 11 days kung ikukumpara sa Gregorian Calendar. Kung kaya taon -taon ito ay napapaaga ng 11 days din. Pero ito ay nagbabago din sa bawat bansa depende kung kelan nagpakita ang buwan.

Para sa mga kapatid nating mga muslim ito ay hudyat ng pagtatapos ng banal na buwan ng Ramadan. Ito ay simbulo din ng pagtatapos ng kanilang isang buwang pag aayuno. Ngunit para sa ating mga kabayang pinoy na nagtatrabaho dito sa Middle East, ito ay tatlong araw ng pahinga sa trabaho. Ito ang araw na inilalan para sa mga personal na gawain tulad ng pamamahinga o pamamasyal. Ito ang dahilan kung kaya inaabangan din din nating mga non-muslims pinoy ang araw ng Eid.

Ibat - ibang gawain ang nais gawin nating mga pinoy sa araw na ito tulad ng pakikipagkita sa mga kaibigan at kamag - anak na parehong nasa Gitnang Silangan din. Ang iba naman ay itinataon na lamang ang mga paghahanda sa birthday o anumang okasyon sa araw ng Eid kung ito'y malapit din lang. Kaya hindi kataka - taka na meron sa ating mga kababayan ay planado na ang activities isang buwan bago and Eid.

Anuman ang mga itineraries natin sa Eid, huwag nating kakalimutan ang kahulugan nito para sa ating mga kapatid na muslim. Igalang natin ang kanilang relehiyon at kultura upang maiwasan natin ang malagay sa di kanais-nais na sitwasyon dala ng paglabag sa mga ito.

Sa mga kapatid naming muslim "EID MUBARAK"