Saturday, September 4, 2010

Takbo Bilis Takbo....

I'm back running lately. Medyo lumusog na naman po ako ng konti dahil sa kakaluto namin ng kasama ko sa apartment. Last week nung tumuntong ako sa weighing scale after almost a month ay muntik na akong mapasigaw sa timbang ko huhuhu... Almost three kilos ang dumagdag sa kargada ko. Di naman ako kumakain ng karne, puro isda at gulay na nga lang ang diet ko pero ano itong nangyayari sa akin waaahhh..

Kaya ngayon I have resurrected my running shoes and jogging pants to shake off these extra pounds that I have collected as I lazily hazed through my new books...

Promise simula ngayon isang chapter na lang isang araw ang babasahin ko at simula din sa araw na ito ay tatakbo ako ng isang oras at least four times a week...



PS...

I am running again not because I want to look good to others, but because I want to feel good about myself..

Friday, September 3, 2010

US Open...

Its US Open Tennis Championship season once again and as a tennis fanatic kahit di pa ako nakakapaglaro ng isang full match sa buong buhay ko, I am very much ecstatic because of the event. Una higit sa lahat ay para mapanood ko ang favorite sport ko at higit sa lahat ay dahil sa kanila....


RAFAEL NADAL - Ang pantasya ng buhay ko. Hindi ko alam kung anong meron sa Espanyol na ito. Talagang tumitigil ang mundo ko kapag nakikita ko syang may hawak na raketa.




 At talagang titigil na sa pag inog ang mundo pag nakikita ko syang ganito... 


 



 Vamos Rafa...


 



FERNANDO VERDASCO - Ito ang isa pang Espanyol na kung makatitig ay makalaglag pantyliner....




At lalong malalaglag lahat kapag nakita mo syang ganito...


No doubt na talaga, Spanish Tennis players are the hottest... OLE!


Monday, August 30, 2010

All About Miss Universe 2010 (PART 1)

This a a very late post but this is  not a full - fledge gay blog if it doesn't include an entry about beauty pageant. I am talking about the just concluded Miss Universe pageant to be specific. Millions of Filipinos around the world patiently waited for the live broadcast of the event from Mandalay Bay Resort. Here in the Middle East it was aired early morning and many of us sacrificed our much valued one more hour of sleep just to catch the live broadcast.

I woke up at 4:30 am and turned on my computer and logged into http://www.pinoy-ako.info/ to catch an early morning broadcast but was disappointed to find out that the pageant will not start until "Today with KC" is over so I searched the net for a live streaming and jumped in joy when after twenty something site I found one which was working. I contented watching the pageant in a spanish channel since it started 30 minutes ahead of the TFC broadcast.

The show started with the National Costume parade, and there amidst the sea of stunningly beautiful women, Miss Philippines Venus Raj stood out. With her almost chocolate colored skin and perfect body figure, I silently hoped that she will make it to the 15 finalists.

Then came the announcement of the top 15 finalists....

Here are the top 15 of the Miss Universe Pageant in order of announcement...


1. Ms. Puerto Rico

2. Ms. Ukraine

3. Ms. Mexico

4. Ms. Belgium

5. Ms. Ireland

6. Ms. South Africa

7. Ms. France

8. Ms. Australia

Halfway through and no Miss Philippines yet... Oh God please, please.... and then..

9. Ms. Jamaica

10. Ms. Russia

11. Ms. Albania

12. Ms. Columbia

13. Ms. Guatemala

Two slots remains but still no Miss Philippines, to think that you still have Venezuela, Dominican Republic, USA and other beauty pageant powerhouses...
14. Ms. Czech Republic

I was one of the millions of filipinos who jumped out of our seats when finally...

15. Ms. Philippines

The final 15 then competed and sashayed in their bikinis in the Swimwear Competition...

Here are the top 15 Finalist in their Swim Wear.... (in alphabetical order)



ALBANIA


AUSTRALIA


BELGIUM


CZECH REPUBLIC



COLUMBIA

FRANCE

GUATEMALA

IRELAND


JAMAICA



MEXICO



PHILIPPINES


PUERTO RICO


RUSSIA

SOUTH AFRICA


UKRAINE

Friday, August 20, 2010

Enough

I guess I'm finally saying goodbye....After a long and hardfought battle with myself, I have finally decided to say goodbye. No, not to blogging. I am saying goodbye to the one who caused my exhumation in the blogosphere.

I have always known that ours was the love that could never be. I am your "almost but not quite". You are my dream that I could never, completely have. However we tried we will never be enough for eah other. Something is always missing, something is always lacking.

So much of your lies, so much of your alibis. So much of our arguments, so much of our fights.  I guess I had enough..

Sunday, August 15, 2010

Touch of Nothingness

Minsan may mga panahong gusto kong gumawa ng posts sa blog na ito  pero wala akong maisip na experience ko or anything worth writing. Kahit na anong piga ko sa utak ko dahil sa isang garapon na essence of chicken na nilaklak ko kahapon ay wala talagang lumalabas na thought sa utak ko kahit man lang tilaok o putak ng manok.

May mga araw din na feeling ko superfluous ang utak ko and I can write thousands of topic in a given day. Yung feeling mo Mr. know it all ka at pang best in interview ang condition ng utak mo na kakabugin mo ang lahat ng kandidata sa Miss Universe pag dumating na sa final question. Its that day when you wake up in the morning with a lot of happy memories you feel you want the rest of the world to know bu I end up writing not a single word oras na lumapag na ang aking mga daliri sa computer ko..

Siguro kailangan ko na talagang magbaon ng notebook para may I take note ako sa lahat ng mga thoughts na dumadaan sa utak ko, para kung dumating yung time na inspirado ka na uling magsulat ay titingnan mo na lang yung mga notes mo at presto pwede ka nang kumanta ng "Its all coming back, its all coming back to me now" ni Celine Dion. Siguro hindi na rin ganun ka fertile ang utak ko tulad ng dati ng nananalo ako sa mga Regional Press Conference sa Literary at Feature Writing Category.

Pero kung minsan nagpapasalamat din ako sa mga oras na bag down ang utak ko. Sa mga panahong inaabot ako ng katamaran sa pagsusulat. May mga oras na pinagsisishan ko ang mga naisulat ko especially yung mga "spur of the moment" articles ko. Ganun pa man kahit pinagsisihan ko ang ibang articles ko ay di ako kailanman nagbura o nagdelete kahit isa sa mga posts ko. Feeling ko isang napakalaking kasalanan yon.

Hindi ako gumagawa ng drafts ng mga blog ko. Lahat ng mga nasisulat ko dito ay direkta kong isinusulat sa blog na ito. Kaya wala akong chance para magbasa ng mga drafts at mamili kung alin ang dapat i post. Kaya masasabi kong lahat ng mga post dito ay puro "raw" o unedited.

May mga iilan na nakakabasa ng posts ko na natutuwa at may iilan din naman na otherwise ang reaction. Sa mga natutuwa, nagpapasalamat ako dahil kahit papano ay naapreciate ninyo ang blog na ito. Sa mga naiinis naman at masyadong destructive ang criticism, wag po kayong mag alala, bagito pa po ako at ang lahat ng mga criticism ninyo ay gagamitin ko para gumawa ng mas mahusay na posts. Iisa lang ang hinihingi ko sa inyong lahat, samahan nyo na lang ako sa aking paglalakbay at sa pagtahak ko sa buhay na pinili ko... Isang buhay na hindi man katanggap tanggap sa ilan pero ito ang buhay kung saan masaya ako, at malayang gumawa ng mga na nagpapasaya sa akin. At pangako ko po sa inyo na hanggat kaya ko ay ibabahagi ko po sa inyo ang buhay sa pamamagitan ng blog kong ito.

"Love me or hate me" lang naman po iyan. Kung ayaw nyo wag kayong magbasa para hindi ko masayang ang oras ninyo.




"When I write down my thoughts, they do not escape me. This action makes me remember my strength which I forget at all times."

Saturday, August 14, 2010

The Gutsy Girlash

Hi! online ka ba?

Ito ang message na nabuksan ko sa fb account ko at may kasamang  request to be friends mula sa isang certain AG.  "Hu U?" yun lang naging sagot ko and  decided na iignore na lang kasi marami namang poser at manloloko sa fb, pero when I was about to delete the message, I instead clicked on the profile of the bilat and found out na we have two friends in common.

One was Ed, Mikos best friend and Miko himself.

Ahhh Ok, the bilat is not a poser, we really are connected after all. Because of this, I decided to accept her request. After a while, bigla na lang may nagpop na message, sa screen ko.

"Musta?" galing sa bilat.
"Sorry ha pero hirap akong maalala kung san tayo nagkita at nagkakilala" sagot ko naman.

Nagkita na daw kami minsan sa Poland sa binyagan kung san ninong ako.. Isa daw sya dun sa tatlong babae na kasa kasama ni Gerald ang ex ko...

"Ahhh okey!" sagot ko naman sabay apuhap ng itsu ng bilat sa mga babeng kasama nga ni Gerald.

Pero ang sumunod na sinabi nya ay talagang ikinawindang ko at muntik na akong magbackflip ng standing arabian

"Gf ako ni Miko at alam ko ang tungkol sa inyo". ang matigas na declaration nya. "Tigilan mo sya dahil di nya ako ipagpapalit sa iyo, pag di mo sya tinigilan, humanda ka sa akin." ang pananakot ng bilat.

Nag inhale - exhale muna ako, baka lumabas din ang pagiging warfreak ko at isa pa Miss Congeniality ang drama ko ngayon hehehe... "Sorry ha pero wala namang nabanggit na gf si Miko sa akin eh." ang mahinahon kong sagot.

"Eh P_ _ _ _ _   I _ _ ka pala eh pinakikiusapan ka ng maayos ayaw mo, baka gusto mong puntahan kita sa Iloilo at sampalin kita jan.." mura ng bilat.

Dito na nawala ang sash ng Miss Congeniality. Sa lahat ng ayaw ko ay yung mumurahin mo ko. Talagang maghahalo ang balat sa tinalupan pag na PI ako. Hindi ako lalaban ng murahan kasi feeling ko pang muchacha lang ang level na yan, I'll bring it to a higher level, kung di mo carry sorry ka na lang.

"Ineng baka di mo kilala ang kinakalaban mo, I dont want to pick up a fight with you but if you're asking for it, pinapaalalahanan kita, just bite what you can chew." ang pagtataray ko din.

"Tsaka pag pumunta ka dun baka paglapag pa lang ng paa mo sa lupa ay agad agad mo ding ibabalik kung san ka sumakay. Di kita tinatakot, sinasabi ko lang ang maaaring mangyari sa yo." dagdag ko pa.

"Yabang mo!" sagot ng bilat.

"Di pa ako nagyayabang nyan, do your research and malalaman mo na toto ang sinasabi ko, kaya kung ako sa yo easy ka lang, and besides ayokong nakikipag away dahil sa lalaki lang. Sa iyo na sya kung gusto mo. Isalaksak mo sa baga mo" ang sabi ko.

"Di ito ang venue to pick up a fight kung talagang matapang ka, pick a date, time and place, darating ako" pagtatapos ko.

Di na sumagot ang bilat. Pero in fairness may guts sya ha... Kaya lang she picked the wrong person para kataluhin, di ako magsisimula ng away dahil sa lalaki pero pag naapakan mo na ako talagang aaray ako...

Alam ko di dito magtatapos ang pagwawala ng bilat may karugtong pa ito... Dont worry i'll keep you updated sa kahihitnan ng gyera ko with Miko's bilat.

Sunday, August 8, 2010

Miko in Manila

Nasa Manila si Miko ngayon.

Byernes nang umalis sya sa Poland para magtravel. Imbes na sa RO - RO sumakay tulad ng text nya sa akin, nag trucking sya. Kinuha muna ang diploma sa high school na matagal ding inamag sa desk ng teacher bago sumakay sa trucking.

Alas diyes ng gabi nung isang araw biglang nag text,
Miko: nasa Roxas na ako pasakay na ng barko...
MM: Roxas? di naman sa Roxas dumadaan ang trucking ah? Baka Aklan kamo?
Miko: Aklan pala. malalaki ang alon ngayon, malakas ang hangin.
MM: Pray ka lang.. tsaka di ka naman basta basta matetepok nyan dahil masamang damo ka..
Miko: Uy sobra ka naman
MM: Bakit? Hindi ba?
Miko: Hindi naman
MM: Sige ingat na lang jan, tulog pa me alas diyes na.
Miko: Sige tulog ka na muna, text kita bukas pagdating ko sa Maynila
MM: Ikaw bahala ka...
Miko: gudnyt

Di na ako sumagot... pero deep inside nagdarasal ako na sana maayos syang makarating sa Manila