Friday, July 9, 2010

Feliz cumpleaños a mí

Happy Birthday to Me....

Yes its my birthday today... When I was a kid, every year I am always looking forward this day. Ito ang araw na palagi ay maraming handa sa bahay. Hindi naman kami mayaman pero my parents will see to it na kung may birthday sa isa sa aming tatlong magkakapatid ay hindi nawawalan ng handa sa bahay. Kahit na simpleng pancit lang at cake para sa amin ay sapat na ito para maramdaman namin na espesyal ang araw ng kapanganakan namin.

Ngayong matanda na ako at kaya ko nang maghanda para sa sarili ko, there's no reason para hindi maging masaya ang araw na ito para sa akin. I may be far away from home, but thanks to the advent of technology, I can always call home whenever I want to be happy. I can buy expensive gifts for myself such as gadgets, jewelries, clothes, and other luxuries which in my younger years was just dreams for me.

Really there's no reason not to be happy..

But the irony is, I am not completely happy on my birthday. I dont feel like this day is the same as I used to have it when I was a kid. Gone is the excitement of waking up early to say thank you for every birthday greeting I will receive throughout the day.... I know i will receive numerous greetings and smiling faces today, but there's one greeting and smiling face face i want to hear and see today.... Its from you!

Thank you for calling early mahal... But it seems not enough to ease the pain of wanting to hold you today. Kahit palagi tayong nag aaway, para tayong aso't pusa kung minsan pero i can't deny it na I will alaways want nobody but you...

Tuesday, July 6, 2010

Ang Advice ni Kumpare

Gosh!!! I am feeling happy today. Masaya akong nagising and still I am looking forward to a very happy day hehehehe... Eugene's advice is working really well hehehehe.

Ginising ako ng text ni Miko around 4:00 am...

Miko: Gud morning mahal q.. (take note how he addressed me... landiihh)
MM: Good am din sa yo Miko (trying not to sound elated)
Miko: Musta na jan ang mahal q?
MM: ok lang kaw musta naman jan? himala maaga mo aqung naicp, me lagnat ka ba?

Muntik na akong mahulog sa kama sa reply nya..

Miko: mga tambay lang kaming sawa sa babae, mga babaeng manloloko, piniperahan lang kami. Kaya ngayon bakla na lang ang aking iibigin, kay sarap magmahal ng bakla o kay sarap damhin...

medyo corny, pero I'll be honest talagang kilig to death ako hahaha.. pero not to sound obvious..

MM: hala kumain ka na ba? Parang di ka yata normal ngayon?
Miko: hindi pa mahal q.... at normal ako sinasabi ko lang ang gusto kong gawin.. bakit ayaw mo?
MM: ikaw bahala ka (pakipot pa talaga...)
Miko: parang wala ka namang ganang magtext cge na nga mamaya na lang.. ingat ka jan mahal q..
MM: Cge kaw din ingat jan..
Miko: Luv u mahal q
MM: OK
Miko: Ganun lang?
MM: Bakit ano ba gusto mo?
Miko: May nakakalimutan ka..
MM: anu yon?
Miko: hmmmnnn cge text na lang kita mamaya kung ano yun..
MM: Cge

Take note wala nang "I love you" and "I miss you" ang text ng inyong abang lingkod. At sinunod ko talaga ang isa sa mga payo ni Eugene na "dont sound so excited pag nagtetext or nag uusap sa yo". Maraming salamat Eugene talagang maasahan ka sa advicing ek ek na yan.. Pwede ka talagang magtayo ng consultation firm when it comes to this matter.. Love you kumpare...

Monday, July 5, 2010

Galit Galitan

Kahapon ginising ako ng text ni Miko... "h! gud morneng...".
Di ako nag reply...

Alas nuebe (meaning alas dos sa pinas) nag text uli tatlong beses "ingat ka jan...".
Di pa rin ako nagreply...

Ala una nag text ulit.. "hi can u bhe my textmate..".
Di parin ako nagreply..

Opo tinitikis ko ang sarili ko na di magreply. Nung nakaraang gabi kasi out of depression, tinawagan ko ang dati kong katrabaho sa pinas at dun ibinuhos ang lahat ng sama ng loob ko.. Isa sya sa mga lubos na nakakakilala sa akin kung kaya walang puknat na paghihinagpis ang napakawalan ko. Salamat naman at accommodating din si Eugene at pinakinggan ang sentemyento di asukal ko. Nagbigay pa ng advice..

"Huwag mong tawagan, huwag mong itext para maramdaman nya kung ano ang nararamdaman mo pag di ka nya tinetext. At higit sa lahat huwag mong susustentuhan para sya magtext kung kelangan nya."

yun nga po ang ginawa ko.. kesehodang nakangiti na ako sa natatanggap kong messages ay di pa rin ako nagrereply...

Kinaya ko po yun hanggang alas tres. Pero naisip ko pwede naman pala ako magreply pero pasaring kaya ayun nadisregard ang advice ni Eugene.

MM: xory now lang me nagpaload eh.

pero sumagot...

Miko: tawag ka naman oh
MM: y?
Miko: gusto kitang makausap, me tanong ako..
MM: yoko nga
Miko: sige na miss na kita..
MM: me kailangan ka cgur
Miko: wala me tatanong lang..
MM: sandali

at yun na tumawag na naman ako (sorry talaga Eugene).

Miko: wag ka na kasing magtatampo, kinakabahan tuloy ako pag di ka nagtetext...akala ko me nangyari sa yo.
MM: so naiintindihan mo na kung ano nararamdaman ko pag di ka nagrereply...
Miko: oo na at wag mo na uulitin yan ha..
MM: depende
Miko: depende kung...
MM: depende kung pasaway ka pa rin eh di tigil na ko sa pagtawag (at least nagpaparesyo ako noh..)
Miko: basta isipin mo lang na di kita ipagpapalit
MM: bola
Miko: wala nang iba peks man..
MM: oo na
Miko: sige na basta magtetext ka na ulit ha..
MM: ok bye
Miko: ok

For the very first time di ako nagsabi ng "I love you" sa pag uusap namin dahil gusto kong iparamdam sa kanya na nababawasan na nararamdaman ko sa kanya kahit etsus lang hehehehe...

Kaya ayun in good terms na kami ulit, pero di na ako mauunang magtext sa kanya.. promise yan Eugene hehehehe...

Hanggat Kaya Ko

Parang di ko na yata kaya........

After almost two months na naging tayo ay ilang beses na akong patagong umiiyak. At lalong nararagdagan ang sakit ng katotohanang wala akong mapagsabihang iba ng bigat ng loob ko. Pilit kong ipinapakita sa trabaho at sa mga kaibigan ko na okay ako pero pasapit ng alas - singko hanggang sa abutin ako ng antok ay iniluluha ko ang bawat oras na di mo ko maalala..

Ilang ulit ka na bang naunang magtext? Isa, dalawa, tatlo pero ang mga yun ay nagfofollow up lang sa bagay na hinihingi mo kaya nagkakaroon ka ng initiative na magtext. Pero ilang text ko na ba ang hindi mo nireply? At kung magrereply ka nga ay palaging "sorry now lang kc me nakapaload" o di kaya'y "sorry low bat kc me".

Pilit kong hinahanapan ka ng katwiran kung bakit ganun ka. Siguro sabi ko baka wala lang pambili ng load. Siguro nasa walang signal. Pero hindi, napadalhan naman kita ng higit sa pambili ng load at pag minimiss call kita ay palagi namang nagriring ang cellphone mo....

Oo na nagpapabulag ako sa nararamdaman ko, pero wag mong isiping tanga ako. Alam ko ang totoo na mahal mo ako pag kailangan mo ako, pero umaasa pa rin ako na darating ang araw ay mapapansin mo rin ang lahat ng bagay na ginagawa ko para sa yo. Umaasang balang araw ay bibigyan mo din ng halaga ang lahat ng ito... Mahal kita ngayon Miko pero ayokong dumating ang araw na mapagod ang puso ko sa pagmamahal sa iyo at mauntog ang ulo ko at biglang matauhan ako...

Mahal kita hangga't kaya ko... pero pano pag sumuko na ako?

Sunday, July 4, 2010

Blog Title...

opo kapapalit ko lang po ng pangalan ng blog na ko. I decided to name this blog after the person who inspired me to go back to the blogosphere. Sa taong ngayon ay dahilan ng bawat ngiti ko, sa taong syang dahilan din ng bawat pagluha ko.... to the person who taught me how to close my eyes and ignore all reasons.. and just leave everything to fate.. But isn't this is only happening when you are in love?

Yes, I may be foolish to some but I am just being true to myself... thus for being true to myself, I am dedicating this blog to you Miko Jimena...

Cellphone

Di ko akalaing darating ang panahon na magiging musika sa aking pandinig ang tunog ng aking cellphone. Sa sa bawat "toot toot" nito ay para akong idinuduyan at gumagaan ang aking pakiramdam. Di ko rin sukat akalain na magiging tagapag gising ko sa umaga ang bawat " 1 message received sa aking cellphone. Dati rati ay kulang na lang ay magbasag ng mga plato at baso para ako magising sa umaga pero ngayon kahit na nasa pinakamahina ang volume level ng aking cellphone ay nagigising ako at naghahanda para sa isang napakagandang umaga hatid ng mensaheng laman ng telepono ko.

Dati rati ay takot akong magbasa ng messages sa roaming number ko dahil alam ko naman na ang parating nilalaman nito ay paghingi ng tulong (pera) mula sa pamilya ko at mga kamag anak sa Pilipinas. Ngayon ay hinahanap hanap ko sa bawat oras ang muling pagtunog ng ng roaming phone ko, at sa bawat pagtunog nito ay umaasa ako na galing sa iyo ang nilalaman ng bawat mensaheng matatangap ko.

Kung dati rati iniiwanan ko sa bahay ang roaming  ko at di ko nga halos pansin sa pag uwi ko, ngayon naman ay halos di ko na maiwalay sa katawan ko ito.

Inaamin kong nagiging sanhi ng kaligayahan ko ang bawat mensaheng nababasa ko mula dito. Naiibsan ang mga pangungulila ko sa yo dahil sa cellphone ko.

Pero ngayon nagiging sanhi din ng kalungkutan ko ang bawat araw na hindi tumunog ito. Naghahatid din ng pangungulila kung di ako makatanggap ng mensahe mula sa iyo. Nagiging pighati ang mga bawat oras na umaasa ako na sa hindi magtatagal ay maisipan mong itext ako...

Pero kahit na ganito ay hindi ko ihihiwalay ang cellphone ko dahil patuloy na umaasa ako na maiisip mo ako at isang araw ay muling tutunog ito at maghahatid ng mensahe mula sa iyo...

Maghihintay ako... pati ang cellphone ko, sa kahit isang mensahe mula sa iyo mahal ko..

Saturday, June 26, 2010

Homesick Ako...

OO, homesick ako! Kababalik ko lang dito sa Saudi Arabia nung isang linggo at pilit kong nilalabanan ang kalungkutan dala ng aking pagbabalik dito sa Middle East. Isang taon ko na namang bubunuin ang pagbibilang ng araw sa kalendaryo. Ang pagharap sa laptop ko at paghahanap ng makakausap sa ym, fb, skype, fs at sa kahit na anong social networking site. Dagdag mo pa dyan ang pagsasayang ng load sa telepono para lang makausap ang mga mahal mo.

Pero ito ang buhay ng isang OFW kelangan mong labanan ang homesickness para kumita ng pera. Gusto mo ng malaking sweldo kaya kelangan mong bayaran ang kapalit. Isang galon ng luha ika nga sa bawat taong andito ka at malayo sa pamilya mo...

Pero don't worry maalis din naman ang homesick kapag tumanggap ka na ng sahod at makapagpadala sa pamilya mo... Ang pamilyang syang dahilan ng lahat kung bakit ka andito at dumadanas ng homesick... Lahat naman tayo pamilya ang dahilan kung bakit tayo nandito. Andito tayo para sa iisang layunin ang mabigyan ng maayos na buhay ang ating mga pamilyang naiwanan sa Pilipinas.

Kaya kung homesick ka kuha ka na lang ng picture ng pamilya mo o di kaya'y tingnan ang mga litrato nilang naipost mo sa facebook at friendster hanggang sa gumaan na ulit ang loob mo....