Saturday, July 31, 2010

Until Tonight

Today, while I was rushing to beat deadlines and trying to arrange the day, I heard my phone's not so pleasant message alarm. I had an inclination that it was you. I tried suppressing the feeling of elation that was slowly building inside me. I dont know why I am feeling this way? I mean its just a text message and there's nothing much in it but just few words of "His" and Hellos" or sometimes corny greetings and forwarded quotes. But theres no room for that today. I dont have time to spare today and after what we've been through the this week, I have promised myself not to be affected by you anymore, least not to let you know that you still occupy the biggest part of me.

I slowly opened the message and I was right. The message reads "If I hurt your feelings, I am really sorry. I will just be here for you. Please call me"

I tried not to be affected by it. I am in the middle of a conundrum. Three deadlines and three meetings to attend to today aside from the regular bits and pieces of this very demanding job. I need to go on top of all of these and finish them with quality and in time as I always do.

"Not now, I'm busy... maybe tonight". So my answer goes.

Its very hard to admit that despite of all the rough times that I had with you, I will never cease loving you, wanting you. If I am doing this, it doesn't mean I love you less. I am only doing this for myself. I am only doing this for myself...
I don't want you to feel that my life is centered on you, even if the truth is, it does. I dont want you to know that my day will never be complete without thinking of you, even if I do. The truth is, you're an integral part of my life and it will never be the same again if I'll completely lose you... but until when I can have control over these things... until when?

These past few days have been very horrible for me. How I miss your voice and your out of sync reasons. Your unpretending laughters and grunts in between. All af these just make me realize, how much I am missing you...

Not now, not today but tonight, I'll call you...

Thursday, July 29, 2010

Mahal mo pa ba Ako?

May sakit si maoy kahapon pa. Naulanan yata sa byahe. Pumunta kasi sa kabilang bayan dahil pinaunlakan si Nonong na sumama sa pagtitipon ng kanilang simbahan. Madaming sumama kaya sa truck sila isinakay para makatipid sa pamasahe. Hindi naman nya alam na aabutin sila ng isang oras at kalahati sa byahe. Nung papunta pa lang sila ay mainit ang sikat ng araw at nang pauwi naman sila ay biglang bumuhos ang ulan, kaya ayun sakit ng ulo at katawan ang inabot.

Kala ko nga nagloloko lang sinabing masama daw pakiramdam nya kaya inaasar ko din. Pero humiling na tumawag ako, abay totoo nga. Paos ang boses ni maoy at talagang me sakit... Uminom naman na daw sya ng gamot pero masakit pa din ang katawan.

Syimpre medyo worried din si MM kasi parang malala ang trangkasong dumapo kay maoy. Pero bago matulog nagtext pa ang loko

"nyt na mahal ko, wag ka mag alala ayos na ko bukas".

Ang loko may sakit na nga nakuha pang mambola hehehe..

Pero kanina nagtext na naman na tawagan ko daw.

Miko: Hello mahal, OK na ko wag ka na mag alala jan."
MM: Di ah, alam kong di ka basta basta matetepok dahil masamang damo ka"
Miko: Ganun na ba talaga kasama sa tingin mo?"
MM: Bakit di ba?
Miko: Sobra ka naman
MM: Weehh niloloko ka lang, sigurado kang OK ka na
Miko: Opo, basta bati na tayo
MM: Manligaw ka muna ulit
Miko: Ganun, eh di simulan ko na ngayon
MM: Sandali, manliligaw ka eh load ko to.
Miko: Kaw naman alam mong di ko kayang mag overseas call ng 10 minutes
MM: Kung di mo kaya eh di wag ka manligaw
Miko: sige na nga, text na lang kita
MM: OO alam ko naman na naka unli 10 ka
Miko: bistado mo talaga ako hehehehe

Di ako sumagot kaya muling nagtanong si maoy.
Miko: Mahal mo pa ba ako?
MM: Di ko alam
Miko: Bat di mo alam
MM: Basta
Miko: Pwede ba yon?
MM:  OO pwede yun at tama na to mahal na tawag na to
Miko: sige text kita
MM: Ok bye
Miko: Luv you
MM: Labyuhin mo sarili mo

Pero wala pang isang minuto ay nagtext na nga ang loko. "Alam ko love mo pa din ako."

Hay.... tama si maoy mahal ko pa rin sya pero di pa pwede ngayon.. baka bukas o makalawa na lang..

Tuesday, July 27, 2010

Four Days

four days from saying goodbye
four days when I started to cry
four days since the day I died
four days of living a lie.

Thursday, July 22, 2010

Kailan mo Sasabihing Tama Na?

Love never ends... love conquers time. Love is unexplicably enduring. Love means sacifices. Love means hurting yourself...

Mahal kita higit sa anupaman. Mahal kita na handa akong magsakripisyo para sa iyo. At higit sa lahat, mahal kita kahit ako ay nasasaktan.
Hindi kailanman masusukat ang pagmamahal ko sa iyo. Hindi rin kita ipagpapalit kahit kanino...Hindi ito matutumbasan ng kahit ano.
Hindi ko alam na darating ang panahon na isusuko ko ang pagmamahal ko sa iyo. Hindi dahil masyado akong nasasaktan. Hindi rin dahil sa hindi mo ako kayang mahalin tulad ng pagmamahal ko sa iyo. Hanggang ngayon ay hindi nababawasan ang pagmamahal ko sayo...

Mahal kita at ikaw ang huling lalaking mamahalin ko... Mahal kita maging hanggang sa ang puso ko ay maging abo... Mahal kita Miko, mahal na mahal.

Pero ngayon ay isinusuko ko na ang pagmamahal ko. Simula nang mahalin kita ay marami ng nabago sa sarili ko. Marami ng nag iba sa pagkatao ko. Marami na rin ang nag iba sa pananaw ko. Ngayon ay hindi ko na kilala ang sarili ko. Higit sa lahat ay marami na ang nasasaktan dahil sa pagmamahal ko sa yo. Para sa akin hindi tama na masaktan ang mga mahal mo dahil sa isa pang pagmamahal.

Sana sa maikling panahon na nagsama tayo ay naipadama ko sa yo ang pagmamahal ko. Pagmamahal na sumira sa pagkatao ko. Pagmamahal na nanakit sa puso ko... Sana dumating ang panahon na may tutumbaso hihigit ng pagmamahal ko sa iyo... Ibibigay sa yo ang pagmamahal na isinuko ko, ibibigay sa yo ang lahat ng ninais kong ibigay sa yo.

Paalam Miko...

Tuesday, July 20, 2010

Cyber Reunion

Last night I had a sort of reunion with college friends in fb. While reading news articles in philstar.com, I saw a notification popped on my screen, " ______ tagged a photo of you". I immediately clicked the notification since my fb account is open in another window and there it was a pic from my not so distant past. It was a group picture of our university theater and in it were tags of all the people in the pic. Below it was a comment from a co-member, "miss you all pipol". I wasn't able to control the urge of leaving a comment.

Moments later, comments came pouring in from long lost friends and college classmates. And so our chit chatting begun.

"Musta na", "ano na" "nasan ka na", etc... were overused last nyt because of 17 years of separation. Those people were also kind enough to tell me the fb names of people I was looking for quite sometimes. I ended up receiving five friend requests and sending 5 invites hahaha... I slept at 1:00 a.m. with a happy smile on my face without texting Miko (kala mo ha heheh).

It is really nice to get in touch with people you have shared your lives with... it brings back happy memories and a wonderful feeling of finding something nice and beautiful out of a haystack.

We will be having our theater reunion in summer of 2010 and I am looking forward to meeting Jessie again. Dont ask me now about Jessie, he is a very long story to tell hehehehe...

Sunday, July 18, 2010

Love Letter

I am an old school who's still fascinated with loveletters and the kilig moments while writing or receiving it. I made a lot of it in my younger years, but all of those loveletters landed in the hands of the lucky bitches and itches that I was into before. Understandbly, I was ssuffering "identity crisis" when I was doing loveletters, and my refusal to admit that I am gay resulted to pursuing and deflowering a number of girls before (hehehe).

Ngayong lumipas na ang kabataan ko at obsolete na ang loveletters dahil sa text messages, emails, status shoutout, etc at niyakap ko na rin ang totoong ako... ay parang mas feel ko pa rin na gumawa ng sulat kesa gawin ang alternate means of expressing ones emotions. Especially ngayon na inlababoo ako ke Maoy (Miko).

Kagabi naisip kong gumawa ng sulat para ke Maoy, isang sulat na sa personal ay di ko masabi sabi sa kanya ang nilalaman. Kailangan ko pong tagalugin ang sulat na ito just in case na maligaw sya sa blog na ito ay maiintindihan naman nya at di na nya kailangan ang maraming brain cells mapa madigest ang gusto kong sabihin... Takot kasi akong magnose bleed sya at baka mainternal hemorrhage pa si Maoy...Kaya eto po kinalabasan ng loveletter ko..

Mahal kong Maoy,

Alam kong hindi ka sanay sa ganitong relasyon. Alam kong ako ang una mo kung kaya kung minsan pareho tayong nahihirapan sa sitwasyon natin. Madami tayong dapat na isaalang alang sa relasyon natin kung kaya kung minsan di natin maiwasang pareho na malito sa bagay bagay na dapat nating gawin o iwasan para magtagal tayo kaya nagbubunga ng di pagkakaunawaan at awayan nating dalawa.

Alam ko na kahit papano ay nagsisikap ka para tumagal tayo. Kung minsan di ko man pansin ang effort mo kaagad, pero kapag binabalikan ko naman ang mga pangyayari ay unfair naman na sabihin ko na ako lang ang nag eeffort sa relasyon natin. Madali akong magalit alam mo yun, pero iyon ay bunga lang siguro ng mga insecurities ko, alam ko kasi na darating at darating ang panahon na maghihiwalay tayo at bubuo ka ng pamilya mo.

Hindi ko pinlano na main-love sa yo, di ba alam mo na may bf ako nang may nagyari sa atin na naging dahilan ng pagbulusok ko sa iyo. Unang-una ayoko sa basag-ulo at sa tarantado, masyado ka lang nagpacute sa akin at tinukso mo ako kaya ako nahumaling noon sa yo. Pero di ko talaga inaasahan na matutuloy sa ganito ang lahat.

Kung saan man hahantong tayo ay di ko alam. Ang tanging alam ko ay andito tayo, at masaya ako sa relasyong ito. Ewan ko lang kung ikaw ay totoong masaya din sa mga pangyayaring ito. Kung hanggang kelan tayo, di ko rin alam. Pero tandaan mo palagi kahit wala na tayo, sa yo lang ako nagkaganito. Sabi ko nga sa shout out ko "I have no assurances, but I wanna keep it this way."

Sa nga ngayon gusto kitang bigyana ng pagkakataon na ayusin ang buhay mo. Andito ako para i guide ka at akayin sa tamang landas (tama daw oh hehehe). Andito ako para tulungan ka. Tulad ng palagi kong sinasabi sa yo, handa akong magsakrupisyo para sa iyo. Pero sana, ingatan mo rin ako at pahalagahan ang mga bagay na ginagawa ko para sa iyo. Nasa sa yo naman yan eh... kung gusto mo ng maayos na buhay balang araw..

Hanggang dito na lang at sana nakuha mo ang gustong iparating sa iyo.

Nagmamahal
MM


corny... pero wala ganyan talaga si MM pag nagmamahal.. Hayzzz!

Saturday, July 17, 2010

Status Message

Wala akong maisip na pangyayari these past days na gustong isulat at ishare sa inyo... These past days kasi eh medyo so so lang ang mga kaganapan sa buhay ko..

With regards to Miko naman, so far maayos na kami at hindi na nag aaway. He sees to it na itext ako from time to time at may matching sorry pa yun sa facebook account nya... at ang status nya ngayon "Ano ba ang gusto mong gawin ko, sabihin mo lang?". Bantay sarado pa ngayon sa facebook kung kelan ako online at tsaka magsesend ng message na "sorry na po, sige na bati na tayo". O di bah.. hehehe kung di mo nga ba naman mapapatawad pa yan...

Ayun to make the long story short, hindi ko na rin inaway at pinatawad ko na talaga. In fairness naman to him, he looks sincere sa paghingi ng tawad sa akin. Paggising ko sa umaga eh may "good morning gha" na akong text na mababasa at sa gabi naman bago matulog ang mokong ay magsesend pa ng "gudnyt na mahal ko tulog na q". Meron nga naman talagang pinagbago si maoy.

So going strong muna ang drama namin ngayon. Sana naman ay magtagal pa ito. Ayoko naman na from time to time ay nag aaway kami. Nakakapagod na kasi ang palaging awayan....

Yan lang po muna dear readers ang maiishare ko sa ngayon. I'll keep you posted promise..