OO, homesick ako! Kababalik ko lang dito sa Saudi Arabia nung isang linggo at pilit kong nilalabanan ang kalungkutan dala ng aking pagbabalik dito sa Middle East. Isang taon ko na namang bubunuin ang pagbibilang ng araw sa kalendaryo. Ang pagharap sa laptop ko at paghahanap ng makakausap sa ym, fb, skype, fs at sa kahit na anong social networking site. Dagdag mo pa dyan ang pagsasayang ng load sa telepono para lang makausap ang mga mahal mo.
Pero ito ang buhay ng isang OFW kelangan mong labanan ang homesickness para kumita ng pera. Gusto mo ng malaking sweldo kaya kelangan mong bayaran ang kapalit. Isang galon ng luha ika nga sa bawat taong andito ka at malayo sa pamilya mo...
Pero don't worry maalis din naman ang homesick kapag tumanggap ka na ng sahod at makapagpadala sa pamilya mo... Ang pamilyang syang dahilan ng lahat kung bakit ka andito at dumadanas ng homesick... Lahat naman tayo pamilya ang dahilan kung bakit tayo nandito. Andito tayo para sa iisang layunin ang mabigyan ng maayos na buhay ang ating mga pamilyang naiwanan sa Pilipinas.
Kaya kung homesick ka kuha ka na lang ng picture ng pamilya mo o di kaya'y tingnan ang mga litrato nilang naipost mo sa facebook at friendster hanggang sa gumaan na ulit ang loob mo....